Annoying and creepy catcall at night, which I responded to again, and glad nothing bad happened

So pauwi ako galing tindahan ng gulay, ngayong ako na tagaluto sa bahay gabi-gabi nang biglang…”Te gumanda ka ngayon ah,” sabi ng isang pedicab driver na nadaanan ko.

Nilagpasan ko na lang. Nakakabastos pero medyo forgiving ako sa ganung level. Eh humirit pa, “Te pinapawisan ka na” and etc etc. Gago ‘to ah.

Hinaharap ko at sinigawan ko, “PAKELAM MO?!”

He raised his hand in a way na either apologetic or dismissive, at saka tumalikod nang mukhang napahiya. Humirit ako ng “Bastos!” bago siya nilubayan. Di siya makaimik, di siya makatingin. Parang pinagpawisan na rin siya haha.

Sana matuto din lumaban ang ibang babae sa mga nambabastos sa atin sa daan. Karapatan natin ito. 

Normally isa akong scaredy cat na nahihiya lagi sa mga tao pero pinipilit ko talagang lumaban sa ganitong sitwasyon. Kelangan e.

The very first time I ever responded to a catcall

Basahin po hanggang dulo bago mag-react 

“Morning, beh,” a bystander said as I passed. Beside him was another bystander and a guard.

I turned to him and said “Anong tinawag mo sa akin?”

“…Morning,” he said in a tone na medyo nagmamaang-maangan.

“May narinig akong ‘beh’ eh.”

“…”

“Ang bastos mo ah.”

“…”

He couldn’t speak. Guilty? His friends didn’t even help him.

I’m surprised na di na siya umimik. Mas surprised siguro siya dahil first time may sumagot sa pambabastos niya sa daan.

Hindi ko lang talaga ma-take ngayon yung alam kong mali ang nangyayari pero wala akong magawa. Pwede bang ganito rin ang response ng ibang babae sa street harassment imbis na manahimik lang?

Note: “Beh” yata ang usong tawagan ng mga girls sa isa’t isa ngayon. Pero bago pa yan, “beh” ang tawagan ng ibang mag-jowa diba. Kaya kung tambay sa daan ang tumawag sayo (as a girl) nun, nakakabastos. Parang sinasabi niya na girlfriend ka niya.